artista – [noun] isang taong binabayaran upang umarte at sundin ang direktor. isang propesyon. maari din itong gamitin sa isang tao na nagsusumikap mag-”project” ng isang persona na iba sa kanya, sa isang particular na panahon.
–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–
di lingid sa kaalaman natin na pangarap ng maraming pilipino ang maging artista. pruweba na dito ang pagsulpot ng sandamakmak na artista search, singing contests, dance contests, sing-and-dance contests, at lahat na ng kagimikang pwedeng maisip ng creative minds ng mga tao sa likod ng telebisyon, radyo, at iba pang forms ng multi-media.
bakit nga naman hindi? pag artista ka, sikat ka. at madaling yumaman! kaya mong i-earn sa mas maikling panahon ang di mo kayang kitain sa isang taon bilang isang empleyado lamang sa kung saan. aaaahhh. the lure of money and fame. pero di ibig sabihin nito na madali ang trabaho. matinding puyatan at hardwork ang kailangan. magastos pa lalo kung di ka gifted sa linya ng “kagandahan o kagwapuhan” ayon sa standards ng mundo dahil kakailanganin ang frequent, not to mention painful, visits kay doktora vicky or sa mga calayan.
vanity is the name of the game. and their end goal is to please the people, their audience, listeners, sponsors, etc. at mag-invoke ng necessary emotion. well, trabaho nila yun.
di rin lingid sa kaalaman natin, [marahil napapansin din nyo sa sarili nyo] na madalas nagiging artista tayo sa harap ng iba. we tend to project a different persona. lalong lalo na pag ayaw nating malaman ng iba kung ano talaga ang nararamdaman o naiisip natin. pag malungkot, masaya ang “front” natin. pag galit naman, mga ngiti at mababaw na halakhak. ewan ko ba, kahit ilang beses na nating narinig ang mga katagang “magpakatotoo ka”, bumabalik at bumabalik pa rin tayo sa pagiging artista!
di ko alam kung nakakabuti o nakakasama para sa atin ang pagiging artista. minsan siguro oo, minsan naman hinde. depende sa sitwasyon. pero eto lang, di kaya ito isang form ng kasinungalingan?
inaamin ko na maraming pagkakataon, naging artista ako. maraming beses na sinadya man o hindi ay nalinlang ang iba, maging ang sarili. may mga dahilan, valid man o hindi, pero madalas ay para sa sariling ikabubuti. pero di ko naisip noon na maaaring sa pag-aartistang ito, may masasaktan ako: mga taong kilala na ang halos buong pagkatao ko. alam na kung paano ang takbo ng utak ko, at sa bawat galaw o mukha ay alam na kung may mabigat na dinadala o pino-problema. sa bawat pagbabalat-kayo, pagtatago sa likod ng isa pang mukha, pagsusuot ng maskara, maaaring may nasasaktan ka. nasasaktan sila dahil kilala ka nila.
alam ko kung paano yon. dahil minsan, nasaktan din ako. at sabi ko sa sarili ko, ayoko nang maging artista. well, susubukan ko… para sa kapakanan ng mundo.
–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–*–
11 responses to “artista”
gen
June 23rd, 2005 at 17:24
di ba singer ka? hehe, joke.
everything you said is true.
kaya lang paano kung sa sobrang sanay ka nang mag-”artista” sa harap ng iba, di mo na kilala kung sino at ano ka talaga?
kaka
June 23rd, 2005 at 19:56
no comment..la akong masabi sa seryosong post.
Audieski
June 23rd, 2005 at 22:29
atsu! Malamang may pangarap ka noong maliit ka pa, pangarap mong mag-artista! Umhh! palagay ka pwede naman! Sali ka sa Stars Search o kaya sa Stars Strack!
sillyserious
June 24th, 2005 at 23:22
malalim ito. matalim.
lahat ng tao artista. nagkakaiba lang kung sino ang hinahayaan nating maging direktor – sarili, ibang tao, o ang Diyos
bituing marikit
June 26th, 2005 at 23:58
te gen, oo nga eh… read my PN 070605
kaka, tsk tsk, panis ka pala eh! la ka na pag seryosohan! ehehe
or may pinangangalagaan kang reputasyon? haha!
kuya auds! pangarap ko nung maliit pa ko, meaning ngayon? hehe
pero wala kong magagawa kung artistahin talaga tayo eh. ehehe
sillyserious, weh! tagalog ang comment! ehehe:) kakalungkot lang minsan mas gusto nating maging direktor ang sarili natin…
i guess what it really means to trust God is to let Him really be the Director of our every “eksenas”.
kaka
June 27th, 2005 at 01:03
anung reputasyon?!? meron pala ako nun?!?!ng aantay lang akong may humirit na hindi seryoso kasi baka sabihin nilang bastos ako hahaha!! haynaku. layp..dinedma ako..nakipustahan naman..wahihi.
bituing marikit
June 30th, 2005 at 13:16
iba ka talaga, kax! ano kayang mangyayari dun? abangan ang susunod na kabanata? o susunod na fwend? bwahahaha!
kaka
June 30th, 2005 at 13:54
1.5 years of waiting or maybe more like ‘holdin back’ hehehe..nabasa ko na first chapter ng pinabili kong book. mas mayayari na ang female population wahaha joke.yaak.yung friend, friend lng yun..yung isa, change topic..depressing.hihi..ang drama.manood ka nalng ng war of the worlds matutuwa ka pa
rey daitol
February 8th, 2010 at 09:54
pls…kung pwede bang maging artista
rey daitol
February 8th, 2010 at 09:57
kung pwede lang po tulungan nyo po ako makapasok sa gma at maging artista ito po yong numaber 09232440180
rey daitol
February 8th, 2010 at 10:00
kung pwede lang po tulungan nyo po ako makapasok sa gma at maging artista